Ako: Lola*, ano pong trabaho ninyo nung dalaga pa kayo?
lola: A, ayaw mo? Hehehe. (ang tinutukoy niya ay ang paggagantsilyo, dahil kanina lamang ay tinanong ko siya tungkol dito.)
Ako: Hindi gusto ko po. Ano pong trabaho ninyo nung dalaga pa kayo?
lola: A, bakit hindi ka ba dalaga? Wala naman sa itsura mong may asawa ka na.
Ako: Dalaga pa po ako 'la. Mukhang hindi po tayo nagkakaintindihan. Hehe. Ang sabi ko po, ano pong trabaho ninyo noong dalaga pa kayo.
lola: Ahh. Wala. Wala akong trabaho noon. Ayaw kasi ng kuya ko. Nag-aral lang ako sa Philippine Normal University. Gusto kong maging konduktora noon ngunit ayaw akong payagan ng kuya ko.
Mga ilang minuto bago ito:
Lola: Ang daming langgam. Hindi mo ba nakikita? Ayan o, pulang pula.
Ako: Saan po? Wala naman po, 'la.
Lola: Ayan o, (sabay turo sa sahig) ayun pa o (turo sa hangin)...
Ako: Wala naman 'la e.
lola: ...o ako lang ang nakakakita? Baka nga ang mata ko lang 'to. Hindi na kasi ako nakakainom ng gamot ko e. 300 yung isa. Pag nagbayad na ang mga boarders bili ako ulit. Naku ayan na naman sila.
Ako: Wag niyo nalang po pansinin lola.
Lola: A, dumadami ba kapag pinapansin?
*******
Nakalimutan ko ang pangalan ni lola. Basta siya ang may-ari ng boarding house kung saan nakatira ang ate ko habang nagrereview siya para sa Bar exam. Nag-enjoy akong kakwentuhan si lola noong huling sabado. Tuturuan niya akong maggantsilyo sa susunod na pagbisita ko.